Wednesday, October 15, 2008

!medikaleksams.

eh di un na nga, alam mo na kung ano ano ung mga ginagawa dun, at ang pinakahighlight, laboratory, pupu at wiwi, walang problema sa wiwi, konting talsik lang sa kamay, hugas at okay na eh, ang mahirap pupu, hahaha

kaya naman, habang tulirong tuliro sa harapan ng bowl at nagiisip kung ano ang magandang gawin, hawak hawak ang parang cebudemachong lalagyan ng pupu, akoy napaisip ng malalim, ano nga ba ang gagawin ko? tatae sa sahig at ipangsasalok ang lalagyan, eh di may sabit sabit sa lalagyan un, ewww, sisikaping putulin ng pwet ang taeng unti unting lumalabas, eh pano kung nde buo ang lalabas at nde kayang putulin, ewww, magaantay ng ibang empleadong tatae rin at hihingi na lang ako ng tae niya kapalit ng dalawang biscuit na dala ko o kaya naman ay bente pesos, ewww

mayat maya nakaisip ako ng paraan, umupo, ginamit ang napakaimportanteng bagay, inihanda sa kaliwang kamay, umire, sumalok ng kaunti, naghugas ng pwet, itinaas ang salawal at pantalon, tiniis ang masalimuot na amoy, malamang tiniis din ng kasalukuyang umiihi sa labas nun, gumawa ng pangkuha, inilagay sa mala cebudemachong lalagyan, natapos ang problema...

buti na lang....buti na lang...buti na lang...

may libre sa mrt...

hehe apir!

No comments: