Sunday, October 12, 2008

!mgapangambasabohay.

Mahirap rin talaga magtrabaho noh, iba ibang intentions, iba ibang dahilan kung bakit nagttrabaho, sa ngayon, dahil sa iba na ang estado, iba na rin ang takbo ng pagiisip, sa katunayan, nde naman maliit ang sinasahod, kung sa dating estado sapat na sapat un, pero sa kasalukyan, mayroon napakalaking pakiramdam ng insecurity, ung tipong sa kasalukyang mga pangyayari at sa hinaharap ang iniisip, ano ba ang mangyayari kung magiistay sa kasalukuyang pinapasukan, anong mga komplikasyon and pede nitong idulot?

Nakakaturete ng isipan sa tuwing mapapaisip ng mga di kanais nais na insidente sa buhay gaya ng pagkakasakit at iba pa, kaya naman, naisipan kong magapply sa iba, eto, nananalangin, nagaantay na makatanggap ng text para maumpisahan ng asikasuhin ang lahat ng requirements na dapat gawin, nangangamba pa rin, pero sana matanggap nga ako

Ano ba ang inaasahan? Simple lang naman, maayos na buhay, balanseng compensation at benepisyo, ung tipong, sweldo si tatay, laan sa pamilya, sa kabilang banda, maayos ang health care-pinakaimportante sa lahat, allowances, at sa pagiisip na sa bawat araw mong itinatagal sa kumpanya, pagdating ng araw na kinakailangan ng magretiro ay may makukuha ka, kasabay ng mga bagay na to, pede ring pasukin ang pagbibisnes, xempre malaking bagay un, pero ang pinakaimportante makapasok sa isang trabaho na masasabi mong

- cge lang, ayos ako at ang estado ng pamilya ko….

magtx ka lang meralco, kahit maging kalahati man ng sinisweldo ko ngayon ang posibleng makuha ko jan, aus na aus lang...

basta para sa kanila...

No comments: